From a girl called Krys, who loves this land more than many other passport holders do.

February 23, 2008

From Tessie Ang See:

The piece below is more powerful than anything I’ve
written or spoken. Krysty is in her early 20s, she
was born here but of Chinese parents, so she has a
Chinese passport .. but wow! read her Tagalog! if
she doesnt deserve to be a Filipino, I don’t know
who does… and since she first wrote for Tulay,
when she was just 12 years old, the depth of her
love for the Philippines was already very evident.
She’s one of the many, many, accomplished, dedicated
and committed members of Kaisa … who would give
their lives for the Philippines if necessary… are
these the people Apostol want deported?

tessy

To: kaisa@yahoogroups. com
From: “Krys Choi”
Date: Wed, 13 Feb 2008 00:04:50 +0800
Subject: [kaisa] My ZTE Rant
I think everyone’s pretty much riled already, but I
just wanted to share my thoughts on the issue.
Here’s what I posted on my blog

Dahil Puno na ang Salop

Magta-Tagalog muna ako ngayon, dahil usapang Pinoy
‘to. Magbi-Bisaya din sana ako, kaso ambot eh, kaya
Tagalog na lang.

Kagabi, habang pinapanood ko sa TV kung paano
gulpihin ng mga kawani ng gobyerno si Jun Lozada,
parang nagka-amnesia ako. Parang sa isang iglap,
hindi ko na maalala kung bakit sa loob ng mahigit
dalawampung taon, ipinagpipilitan kong Pilipino ako,
kahit alam kong ayaw sa ‘kin ng bansang ‘to.

Pula ang passport ko, kahit dito ako sa Pilipinas
ipinanganak, lumaki, nag-aral at natuto ng
katarantaduhan. Wala akong pakialam sa sinasabi ng
Bureau of Immigrations. Pilipinas ang bayan ko.
Pilipino ako.

Pero kagabi, parang hindi ko na maalala kung bakit
pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa bansang ‘to.
Para ano? Para magpaloko? Para magpagamit? Para
gawing tanga?

Buti sana kung sampid lang talaga ako dito. Yun bang
nakikikain, nakikinood ng tv, nakikitawag sa
telepono. Pero hindi eh. Buwan-buwan pagdating sa
‘kin ng payslip ko, may kaltas na. Tapos saan
napupunta? “This is where your taxes go,” sabi ng
mga nakapaskil na billboard na naglipana sa
Pilipinas. Kasama ang mukha ng taong walang kahit
katiting na hiya sa akin — sa akin na nagpakahirap
na makipagsiksikan sa MRT at nagtrabaho ng mahigit
walong oras bawat araw para lang maipangalandakan
niya ang kawalanghiyaan niya.

Buti sana kung hindi ko pera ang pinagtatalunan
ngayon sa senado. Buti sana kung pinupulot ko lang
sa kalye yung kinakaltas nilang buwis. Buti sana
kung may mapagkukunan ako ng 130 million dollars eh,
pero wala. Wala.

Ang meron lang ako, yung katiting na perang natitira
sa ‘kin bawat sweldo, yung baryang tinira ng
gobyerno dahil kahit papaano, meron naman silang
awa. Dahil siguro, alam nilang kailangan ko rin ng
pambili ng makakain, at para na rin may ipambayad
ako sa e-Vat.

Sa totoo lang, ilang beses na nating paulit-ulit na
nakita ‘tong pangyayaring ‘to. Lagi pang televised,
dahil lahat ng bagay sa Pilipinas, dapat showbiz.
Hindi naman ito ang unang beses na pinagtangkaan
tayong nakawan. Malamang, hindi rin ito ang huli.
At, mas malamang sa hindi, maraming beses na tayong
nanakawan ng wala tayong kaalam-alam.

Pero anak ng tutchang naman, isang beses ko pang
marinig iyang “move on” na iyan, susuka na talaga
ako ng dugo. Sa bawat alegasyon na lumalabas, wala
nang sinabi ang gobyerno kundi ito: “Pakana lang
iyan ng mga kalaban ng gobyerno, wag tayong
magpadala. We need unity. We must move on.”

Pero sino ba talaga ‘tong kalaban ng gobyerno na
punong-abala sa mga planong destabilisasyon? Bakit
parang napakamakapangyarih an niya at alam niya ang
lahat ng nangyayari sa loob at labas ng Malakanyang?
Sino ba siya? Si Lolit Solis?

Simple ang pagkaintindi ko sa linyang “move on” ng
gobyerno eh. Para matahimik ang sambayanan, huwag
kang mag-isip, huwag kang magtanong, huwag kang
manggulo. Sa madaling salita, manahimik ka, para
walang gulo. Parang 1984.

Tama, wala nga namang gulo. Walang gulo para sa mga
taong nagpapakasasa sa bawat sentimong pinaghirapan
ng bawat Pilipino (At hindi Pilipinong tulad ko).
Maganda nga naman iyon para sa kanila. Kaso lang,
sabi ni Confucius, injury requits justice.
Katarungan ang kailangan, hindi iyang pesteng “move
on”.

At sino ba talaga sa tingin nila ang niloloko nila?

Hindi ako dalubhasa sa ekonomiya, wala rin akong
kaklase na naging pangulo ng Amerika. Hamak na
graduate lang ako ng USTe, dyan sa may Espanya (yung
bahaing kalsada, hindi yung bansa). Pero ipupusta ko
ang buhay ni Boy Abunda sa katotohanang ito: ako,
sampu ng milyun-milyong Pilipino, nakatapos man o
hindi — nakikita namin ang katotohanan sa likod ng
mala-pelikulang drama sa senado. Kitang-kita namin
ang bawat kawaning may pinagtatakpan, pati na ang
bawat kawaning kailangang pagtakpan.

Maliwanag pa sa noo ni Lozada ang katotohanan.

Hindi ako Pilipino, sabi ng Bureau of Immigrations.
Sumasang-ayon ang birth certificate ko, pasaporte at
iCard. Pasensya na. Wala kasi akong pambili ng
pagka-Pilipino, di tulad ng mga banyagang
kayang-kayang bilhin ito. Hindi ako smuggler, drug
lord o artista. Hindi ko afford ang berdeng
pasaporte. Pero kahit ayaw sa ‘kin ng Pilipinas,
nandito pa rin ako.

Ilang beses ko nang sinabi sa mga kaibigan at kaanak
ko ito. Kung hindi rin lang kakailanganin, wala
akong planong iwan ang Pilipinas, kahit mamatay
akong banyaga sa bayang kinalakhan ko. Hindi ko
kayang iwan ang Maynila, ang maduming fishball, ang
Parokya ni Edgar, pati si Robin Padilla.

Pero kagabi, sa unang pagkakataon, parang napagod na
ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang nasuya na
talaga ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang
naubos na ang lahat ng pag-asa sa puso ko. Naitanong
ko:

Hanggang dito na lang ba talaga tayo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: